Sa katatapos na kumperensya ng Bulacan Annual Conference ng bagong maka Pilipinong Metodista sa Plipinas ay napili si Rev. Conchita Marcelo na maging District Superintendent ng Bulacan South. Naging madamdamin ang kanyang pagtanggap na ayon sa kanya ay wala sa kanyang isipan o pangarap na darating sa kanya ang ganitong hamon ng paglilingkod. Nagpapasalamat ang pamunuan ng bagong maka Pilipinong Metodista sa lahat ng sumuporta at nagtaguyod ng kumperensya na pinangunahan ni Obispo Lito Tangonan. Naging makabuluhan, masaya at madamdamin ang bawat paguusap sa pagbabalangkas ng mga hamon ng paglilingkod. Nagbigay ng kaisipan si Rev. George Buenaventura na kanyang binalikan ang pangyayari sa buhay ni Father Martin Luther na siya ay nag iisa na nakipaglaban sa Roman Catholic Church na kanyang ipinako sa pintuan ang 95 thesis na kanyang ginawa upang ipaunawa sa Roman Catholic ang kanilang mga mali sa mga ginagawa para lamang makalikom ng malaking pera sa pampagawa ng Vatican. Kanya ding binalikan ang dahilan kung bakit ang IEMELIF ay ipinanganak na si Rev. Nicolas Zamora na noon 1909 na sampung taon pa lang ang UMC sa Pilipinas ay nagkaroon na ng isipan na kaya na ng mga Pilipino na mapamahalaan ang misyon sa Pilipinas, subalit hindi pumayag ang mga Amerikano. Naulit ito sa panahon ng 1939 na ang usaping pakikialam ng Amerikano sa mga Piipino ng muli nilang baligtarin ang desisyon na ginawa ng mga Pilipino. Dahil dito ay tumayo sa paninindigan na ngayon ay kilala sa UCCP. Sa ikatlong pagkakataon ay muli na namang nakiaalam ang mga Amerikano sa pagdedesisyon ng mga Pilipino. Na ayon COI or Committee on Investigation ay wala ng kasong pag uusapan para kay Obispo Lito Tangonan, subalit ang mga Ameikano ay muli namang nakialam, sapagkat ang totoong dahilan ay ayaw nila na mawala ang Metodista sa Pilinas sa kanilang kontrol. Ginamit nila ang mga Obispo na sila ang nagpapasueldo ng dollars, kung kaya madali na mabago ang kanilang paninindigan. Ayon sa kanya, ang mga naunang Obispo ay madidinig mo sa kanilang mga paninindigan ang pagkakaroon ng malayang Metodista sa Pilipinas, subalit bigla itong nabago ng sila na ay naging tauhan ng General Conference. Ayon pa kay Rev. Buenaventura.
No comments:
Post a Comment