Monday, July 2, 2012

PALAYAIN NA SI ATTY ZUNIGA


Panalangin


Para sa:
Lahat ng DSEs, mga Manggagawang Pastor at Diakonesa at mga Kaanib ng AIMPilipinas

Tungkol sa:
Samasamang panalangin para sa kaligtasan ni Atty. Joe Frank Zuniga at sa kanyang buong pamilya


Mapagpalayang pagbati, mga kasama sa AIMPilipinas!

Isang napakalungkot at di inaasahang pangyayari ang nagaganap ngayon sa buhay ng ating mapanindigan, maprinsipyo at magiting na kasama natin sa AIMPilipinas na si Atty. Joe Frank Zuniga (AIMPilipinas BOT Chairman at President).  Mula noong Miyerkules (Hunyo 20, 2012) ng hapon, pagkatapos ng kanyang appointment sa Ocean Adventure, SBMA, Olongapo City, Zambales ay nawawala na sya.  Natagpuan ang kanyang red color Honda Civic car sa Lahar River Bank, Carael, Botolan, Zambales noong Huwebes (Hunyo 21, 2012) ng gabi pero wala siya sa kanyang sasakyan.

Di man natin maidetalye ang buong kaganapan, kaninang umaga (Hunyo 23, 2012) sa Capitol Methodist Church, Balanga City, Bataan ay nagkaroon ng malakihang pagtitipon at panalanginan para sa kaligtasan ni Atty. Joe Frank Zuniga.  Bagaman maigting ang paghahanap kay Atty. Joe Frank ng mga autoridad, magpahanggang sa ngayon ay di pa alam kung nasaan siya.

Mga kasama sa AIMPilipinas, isama po natin sa ating mga panalangin kasama ng ating mga pamilya tuwing agahan, tanghalian at hapunan ang kaligtasan at maayos na kalagayan ni Atty. Joe Frank. Gayundin sa panahon ng pananambahan ng lahat ng ating mga mission at local churches ng AIMPilipinas.  Ipanalangin natin na buhay na buhay si Atty. Joe Frank, matagpuan na at makasama muli ng kanyang minamahal na pamilya at gayundin tayo.  Ipanalangin din natin ang kanyang pamilya para sa ibayong kaaliwan, kalakasan, kapayapaan at kaligtasan nila.  Sa gitna ng pagkundina sa di makatao, di maka-Dios at di makatarungang gawa ng mga taong may kinalaman sa pagkawala ni Atty. Joe Frank, ipinapanalangin pa rin natin na magliwanag nawa ang kanilang mga puso at isipan upang huwag saktan si Atty. Joe Frank at agarang pakawalan.

Mga kasama, patuloy tayong magpanalanginan, magtulungan at magmalasakitan sa isa't isa.  Kasama natin ang Dios at Siya'y tunay nga na sumasaatin lagi sa pamamagitan ni Kristo Hesus at ng kapangyarihan, presensya at mahimalang pagkilos ng Banal na Espiritu.

Sumaatin lagi ang kapayapaan ng Dios!


Lito Cabacungan Tangonan
AIMPilipinas National Bishop (Punong Lingkod)

Saturday, March 17, 2012

Rev. Tangonan Becomes First Bishop of AIM Pilipinas

Pictures originally posted by  Sammy Tuazon Antonio and  Jay-Jimlet Herrera from a facebook group: AIMP.
LUACAN, DINALUPIHAN, Bataan - The AIM Pilipinas Congregations has finally installed Rev. Lito Tangonan to become the first church's Bishop on the 17th day of March 2012. It is remembered that AIMP has decisively declared autonomy and independence and secured recognition from SEC Philippines.

It was attended by churches from all over the extent of AIM Pilipinas and by friends and visitors who supported the cause. 

Sammy Tuazon Antonio said in a facebook group.
‎"I am a soldier in the army of my God. The Lord Jesus Christ is my commanding officer. The Holy Bible is my code of conduct. Faith, prayer, and the Word are my weapons of warfare. I have been taught by the Holy Spirit, trained by experience, tried by adversity and tested by fire. I am a volunteer in this army, and I am enlisted for eternity. I will either retire in this army at the Rapture or die in this army; but I will not get out, sell out, be talked out, or pushed out. I am faithful, reliable, capable and dependable. If my God needs me, I am there." — in Luakan, Bataan.


Monday, January 16, 2012

Success of Bulakan Youth Assembly

January 14, 2011 - The Youth of Bulacan of AIM Pilipinas has successfully held it's first assembly at Pandi Sports Complex, Pandi, Bulacan. More than 100 persons attended with their respective church workers including guests from Bataan. A meaning message was given by Brother Val Buenaventura. At the same time a meeting for the workers and lay leaders of 10 churches was held.

TO GOD BE THE GLORY!

Pictures by Bro. Sammy Antonio Tuazon (Bataan)

Sunday, January 8, 2012

PANSOL DECLARES CHURCH FREEDOM

January 7, 2011 - The congregation of Pansol, Quezon City has declared freedom and affiliation to the AIMP (Ang Iglesia Metodista sa Pilipinas) and broke away finally to the United Methodist Church. They added: "Ang kasarinlan ng Quezon City ay nagsimula na. It is remembered that Pansol delegates attended the just concluded Christmas Youth Assembly in Samal, Bataan.
TO GOD BE THE GLORY!
More pictures are found in this link: FACEBOOK: AIMP.

Thursday, December 29, 2011

SPIRITUAL RETREAT NG MGA LAYKO AT MANGGAGAWA NG AIM PILIPINAS - BULAKAN GINANAP

Lagman's Farm, Dangkol, Balanga, Bataan - Isang makabuluhang Spiritual Retreat na dinaluhan ng 16 katao - mga manggagawa at layko ng AIM-Pilipinas - Bulakan sa loob ng tatlong araw mula Dec 26-29, 2011 kasabay din ang CYA na ginanap sa Samal, Bataan.

Ang naging paksa ng retreat ay ang "Group Dynamics" para sa Church Team Building na matagumpay na natutunan ng mga dumalo sa pamamagitan ng simpleng pasinaya ni Bro. Bayani at mga lektura ni Pastor George. Naging matunog din ang paksang KALAYAAN NG IGLESIYA. Sa huling gabi ay tinukoy ang mga mahahalagang pagpa-plano ng mga magaganap pang mga pagtitipon at ang pagtatatag ng pangkalahatang panukala na iniisip ang respeto, kalayaan at higit sa lahat ang pagsunod kay Kristo bilang pangunahing lider.

Pinag-usapan din sa grupo ang mga susunod na gawain kagaya ng mga pagtitipon ng mga kabataan at pagtuturo sa mga bata sa nalalapit na summer vacation at iba pa.

Ang lugar na pinagdausan ay napakatahimik, malamig at kaaya-aya sa pananatili ng kabanalan sa retreat. Ang farm ay pag-aari ni Pstor Rod Lagman na isa ring partisipante sa pagtitipon.
KALAYAAN
Lagman's Farm House
Dangkol, Balanga, Bataan

KAUNA-UNAHANG CYA NA GINANAP SA BATAAN

SAMAL, BATAAN - Isang tagumpay ang naganap na CYA (Christmas Youth Assembly) na tumagal ng 3 araw mula Dec. 26 -29, 2011 na dinaluhan ng mahigit 400 kabataan mula sa iba't ibang lugar. Idinaos ang naturang pagtitipon sa John Wesley Center na isang matahimik na lugar na ngayon ay nasa kustodiya na ng Iglesia Metodista sa Pilipinas.

Naging mainit at masaya ang naging pagtitipon na mataimtim na nakatuon ang bawat isa sa adhikaing kalayaan ng Iglesia at sa batayang talata mula sa Biblia sa Gal 5:1  "Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin". Kakaibang kaluwalhatian ang nadama ng mga kabataan at mga kasama nilang layko at manggagawa. Nakilahok din sa pagtitipon ang kagalang-galang na alkalde ng bayan, ang DSs at si Bishop Lito Tangonan.

Isang Summer Youth Assembly ang muling gaganapin sa pagtatapos ng School Year sa Abril 2012.

THE CENTER
The Planners